Pahayag ng Presidential Spokesperson sa pasiya ng Korte Suprema
Sa ngalan ng buong bansa, pinasasalamatan natin ang pinagpipitaga-nang mga Mahistrado ng Korte Suprema sa pagpapasiya nila sa maha-lagang isyung ito alang-alang sa katarungan at pamamayani ng batas.Tulad nang kinagawian na niya, igagalang at susundin ng Pangulo ang pasiyang ito, yamang ito ay pinal na at maipatutupad, at gagampanan ang kanyang saguting kostitusyunal alinsunod sa pagli-wanag ng Korte Suprema. Umaasa kami na ang Judicial and Bar Council ay magagabayan ng napakahalagang pasiyang ito.

Mabuhay ang Saligang Batas ng Pilipinas!

TOP


Hinamon ni PGMA ang mga delegado sa NAM na buhayin ang tunay na kahulugan ng pananalig nila
Hinamon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayong araw na ito ang mga delegadong dumalo sa Special Ministerial Meeting ng Non-Aligned Movement (NAM) sa bansa na buhayin ang tunay na kahulugan ng kani-kanilang ng mga pananampalataya upang magkaroon ng tunay na kapayapaan at kasaganaan sa daigdig.

Sa talumpati sa Special NAM Meeting on Interfaith Dialogue and Cooperation for Peace ang Development sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng Pangulo na ang Draft Manila Dec-laration na pagtitibayin ng mga delegado ay dapat magkaroon ng “action plan” ng praktikal na aksiyong ayon sa patakaran, na kinuha mula sa iba-ibang lokal, pampurok at iba-ibang uri ng pananalig at usapan ng iba-ibang kultura.

Binigyang diin ng Pangulo na lahat ng dakilang relihiyon ay nagsusulong ng pagmamahalan, kumikilalang ang buhay ay banal, at nananalig sa kapayapaan at pagkakaunawaan.

Idinugtong ng Pangulo na ang hamon sa lahat sa pagsusulong ng interfaith dialogue at pagtutulungan upang mabigyan ng tunay na kahulugan ang pananalig ng bawa’t isa kung nais nating makamtan ang tunay na kapayapaan at kasaganaan sa buong daigdig.

Ang Pilipinas ang punung-abala sa special ministerial meeting na noon pang Disyembre nakatakdang idaos nguni’t nagkataong bagu-bago pa lamang bumabangon sa pinsala ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Karamihan sa 118 bansang kasapi ng NAM ay may kinatawan sa pulong na ito na tatalakay sa isyung tulad ng krisis pinansiyal, pagba-bago ng klima, nuclear non-proliferation at iba pang may kinalaman sa daigdig.

Ito ang unang pagkakataon na ang NAM, pandaigdig na samahan ng mga bansang nagtuturing sa sarili nila na hindi kasapi o kalaban ng ano mang makapangyarihang bloke, na gagamit ng mahalagang maga-gawa ng interfaith dialogue at pagtutulungan upang isulong ang mga bagay na mahalaga at magiging daan ng tunay na kapayapaan at patuloy na kaunlaran.

Sinabi ng Pangulo na karangalan ng Pilipinas na mapiling punung-abala sa special ministerial meeting na ito at idinugtong na ang Pili-pinas ay isang bansang saksi sa halaga ng intercultural and interfaith tolerance.

Binanggit pa ng Pangulo na ang intercultural and interfaith dialogue at pagtutulungan ay nag-ugat sa pagpaparaya, pagkakaunawaan, pagtitiwala at pitagan bilang pangunahing istratehiya tungo sa pagkakamit ng kapayapaan, gayundin bilang mahalagang susi sa prosesong pangkapayapaan ng isang bansa salig sa nilalaman ng Medium Term Development Plan ng aming bansa.

Tinukoy ng Pangulo ang mahalagang nagawa ng Interfaith Dialogue sa kapayapaan at kapanatagan sa Mindanaw.

Idinugtong ng Pangulo na nagkaisa ang mga bansa sa daigdig na tulad ng Hapon, Awstralya, Estados Unidos, mga bansa ng OIC, Malaysia at iba pang bansang nag-susulong din ng kapayapaan sa Mindanaw.

TOP


Halaga ng agham at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa, pati sa pagbabago ng klima, itinampok ni PGMA
Itinampok ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang napakahalagang papel ng agham at teknolohiya sa pambansang kaunlaran, gayundin sa pagtugon sa pagbabago ng klima.

Binanggit ng Pangulo ang mahalagang ginagampanan ng Philippine Council for Industry and Energy Research Development (PCIERD), sangay na ahensiya ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) sa pagiging tulay ng pagtutulungan ng pribado at publikong sektor para magpasigla ng kaunlarang pangkabuhayan na nakasalig sa teknolohiya.

Sinabi ng Pangulo na ang agham at teknolohiya ay mahalaga para makaangkop sa pagbabago ng klima kahit ang Pilipinas ay ‘mabuting mamamayan ng daigdig’ dahil mababa ang carbon footprint na 1.6 ton per capita kung ihahambing sa mga bansang industriyalisado na ang ibinubuga ay 6 tons per capita.

Ang Pangulo ay naging panauhing pandangal sa ika-28 anibersaryo ng PCIERD sa Hyatt Hotel sa Maynila kaninang hapon.

Ayon sa Pangulo, naging kagawad siya ng Governing Council ng PCIERD noong undersecretary siya ng Kagawaran ng Kalakal at Indus-triya (DTI) na naghahanda ng patakaran at mga pasiya sa pagpapatupad ng mga plano at programa ng sektor ng industriya at enerhiya.

Sa unang Ulat sa Bayan (SONA) noong 2001, sinabi ng Pangulo na binigyang diin niya ang halaga ng teknolohiya upang mapabilis ang pag-unlad ng ekonomya at maging pundasyon ng kaunlarang pangkabuhayan sa hinaharap.

Binigyang diin ng Pangulo na sa panahong ito ay nareporma na ng administrasyon niya ang educational system para bigyang diin ang pagtuturo ng matematika at agham sa basic education at binago ang patakaran para sa ibayong pagtutulungan ng mga istitusyong publiko at pribado, kabilang ang dagdag na badyet lalo na nang maipatupad ang value-added tax (EVAT).

Tinukoy ng Pangulo ang inilaang may P3 bilyon sa pananaliksik at pagpapaunlad ng teknolohiya, pagbubukas ng 100,000 DOST masteral and doctorate scholarships sa 27,000 benepisiyaryo, ang P1 bilyon para ipagawa ang Science and Technology Complex sa UP Diliman, pagsasanay sa may 100,000 guro ng matematika, agham at Ingles at paglalagay ng internet connection sa may 5,000 mataas na paaralang bayan sa buong bansa.

Sa ilalim ng administrasyon niya, sabi ng Pangulo, para sa climate change adaptation, 10 Doppler radars ang ibinigay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Serices o PAGASA para magamit nila sa susunod na dalawang taon ang 5 radar.

Sinabi ng Pangulo na umaasa siyang ang susunod na administrasyon ay susuporta rin nang puspusan at magbibigay ng pondo para sa agham at teknolohiya, pananaliksik at kaunlaran, kasama na ang maha-lagang kontribusyon ng PCIERD sa pagtulong na malinang ang ASEAN S&T Roadmap tungo sa Climate Change-Resilient ASEAN Region pag-dating ng taong 2015.

TOP