OPSwebsite2007ban-spch-V3.jpg (38455 bytes)


PGMA's Latest Directives

Bahay Pangarap, Malacaņang Park

29 September 2009

Mga Kababayan maraming salamat sa inyong pinakikitang bukas palad at kagandahang loob sa ating mga nasalanta ng typhoon Ondoy.

Upang tiyakin ang patuloy at maayos na daloy ng tulong sa mga pinakanangangailangan,ipinapaalam natin sa lahat ang mga sumusunod na hakbangin ng inyong pamahalaan:

Una, nagtayo tayo ng price control task force upang pigilan at parusahan ang labis na pagtataas ng mga presyo ng gamot. Mahigpit na pinagbabawal ang ganitong pagsasamantala.

Ikalawa, huhulihin at paparusahan ang sinumang gumagawa ng pandaraya sa pagtanggap ng mga donasyong dumaraan sa bangko.

Ikatlo, hindi sisingilan ng buwis o kukumpiskahan ng Bureau of Customs ang mga donasyon ng pagkain at kagamitan mula sa ibang bayan, basta't ito ay naka-consign sa DSWD.

Ikaapat, inaatasan ng DFA ang ating mga embahada at konsulado na padaliin ang paglabas ng mga dokumentong kailangan para sa pagpapadala ng mga donasyon mula sa abroad, basta't ito ay naka-address sa DSWD.

Ikalima, nakikiusap tayo sa mga remittance service na huwag munang sumingil ng transaction fees sa mga perang donasyon ni idinadaan sa kanila patungo sa DSWD. Karapat-dapat lamang na padaliin ng pamahalaan ang paghatid ng tulong sa mga nasalanta, at bantayan ding mabuti na di sila pahihirapan pa. Ang sinumang nagtatangkang humadlang sa gawaing ito ay mahigpit nating parurusahan, kasama na ang pagpapakulong.

Maraming salamat muli sa lahat ng mga tumutulong.
|ENGLISH VERSION|

[HOME]