|
| PGMA's Speech during a Meeting with the Filipino Community in Hong Kong SAR |
|
Hongkong SAR |
|
28 June 2009 |
|
Maraming salamat sa halimbawang binigay mo, pero alam
ko rin na bagamat hindi kasing traumatic ang kwento, ang kasaysayan ng
inyong mga ibang mga OFW dito lahat kayo ay magandang halimbawa ng ating
bansa, ng ating kababayan. At inyong lingkod naman, gaya nang sabi ni Secretary Roque, ang ating pamahalaan kasama ng ating mga congressmen ay binibigyan talaga ng halaga ang ating mga Overseas Filipino Wiorkers lalo na ngayon sa pagkakataon ng kahirapan sa buong mundo at pati na rin Hong Kong may nararamdamang kahirapan mas lalong kailangan asikasuhin ang inyong kapakanan. Kaya tamang-tama yung sinabi ni Secretary Nitoy Roque na maraming naghahanap ng mas malawak na reintegration program. At gusto ko ipaalam sa inyo, at pinapaalam natin sa iba’t-ibang mga bahagi ng mundong may OFW na mayron nga tayong programa para doon sa mga mamalasin na kailangan umuwi o kailangan maghanap ng ibang trabaho at ito ay isang buong programang komprehensibo na pwedeng ipaliwanang or ipatupad na ng ating labor office dito. Una sa lahat para sa doon sa kailangang babalik meron tayong Filipino Overseas Livelihood Fund, ang halaga nitong pondo ay one billion pesos, at ito ay pwedeng abutin ninyo bilang pautang doon sa mga kailangang bumalik. Magagamit ninyo para magsimula ng inyong sariling puhunan o kaya magkaoron ng panibagong training para sa ibang kakayahan na malaki ang demand para sa trabahong yun. At kung kailangan niyo ng training ay kasama rin sa ating programa yung TESDA ay nagbibigay ng talagang na nanggagaling sa hiniling ng mga prospective employers kasi gusto natin na kung anuman kung magre-retraining kayo dahil nawalaan ng trabaho ay kailangan makakahanap ng trabaho, so dapat yung training doon na magbibigay ng bagong trabaho. Kaya kaugnay na ng DOLE at ng TESDA ang mga employers, nililista ng employers kung ano ang mga kailangan doon, doon nag-eensayo sa mga returning OFWs. In fact, napaka-successful yung programang yun kung minsan hindi na kailangan bumalik dahil diretso meron nang ibang naghahanap na employer. At doon din tayo sa isang ating programa yung paghanap ng bagong trabaho sa inyo. Kaya yung Secretary of Labor natin pati na rin yung POEA ay gumagawa ng hindi lang proteksyon ng manggagawa, ang ginagawa natin dahil may global recession maraming lugar nawawalan ng trabaho may mga lugar naman na hindi nawawalaan ng trabaho dahil nagsu-survive sila sa crisis at nagdadagdag pa at doon naman nagkakaroon ng marketing blitz. At magbibigay ako ng isang halimbawa, nung kami ay pumunta sa Dubai sabi ni Secretary Nitoy Roque kasi napakarami nating manggagawang nawalaan ng trabaho sa Dubai. In fact, yung unang nagbalita sa akin na isang congressman dahil sumulat sa kanya yung kanyang constituent sabi na lalay off kami dito sa Dubai. Eh hindi tayo makapaniwala noon nung maaga pa ito dahil dinig natin na yung Middle East ay hindi natamaan ng krisis pero nung tsinek totoo pala yung Dubai ay natamaan. So, nag-schedule tayo ng biyahe sa Dubai at meron naman nagsasabi, bakit ka pupunta sa Dubai? Anong investment makukuha mo doon ngayon naghihirap ang Dubai? Ang sagot doon ay hindi naman investment ang hinahanap natin doon kung hindi trabaho. At the end of the day, trabaho ang hinahanap natin kahit ako investment ang hinahanap natin trabaho pa rin ang hinahanap natin para sa ating mga mamamayan. So nagpunta kami dito sa Dubai, at hindi lang kami nagpunta sa Dubai ang ginawa inimbita yung mga employers sa buong Middle East na pumunta sa Dubai dahil pangulo ng Pilipinas ang nag-iimbita, mga may-ari ng malalaking kumpanya ay nagpunta doon, mga head ng malalaking employment and recruitment agencies ay nagpunta doon. At yung nawalaang trabaho -- mga ilan? 5,000 workers -- 5,000 workers nawalang trabaho sa Dubai pero ang na-offer ng mga employers na pumunta doon sa Dubai dahil nagkaroon ng summit ay 221,000 jobs. Kaya lahat nang may available jobs sa lahat ng 5,000 na nawalaan. Kung merong hindi nakapasok ay dahil mali ang skills nila kaya may mga 200,000 jobs na binigay nung mga employers ay linista nila yung ano ang pangangailangan nila para sa ganun mayron dun sa 5,000 na hindi pumasok trabaho. Kaya yun ang isang ginagawa natin para masigurado ba yung ating mga Pilipino sa buong mundo dahil meron tayong global recession ay hindi magkakaroon ng lubhang kahirapan. Kaya ako ay nasisiyahan na makapunta dito, makipagbalita sa inyo at tamang-tama dahil hinahanap niyo yung reintegration program na yun, eto yung reintegration program at papalawakin natin yung training dito. At yung training na gagawin ni Nitoy ay hindi yung ordinaring basta ano lang training ang gagawin, eto yung training sa mga skills na hinihingi mismo ng prospective employers specifically specific skills. So, inaasahan ko na yun ang ating magagawa para sa inyo. At Mildred, salamat sa iyong halimbawa at pinataas mo muli ang profile ng ating dakilang manggagawang Pilipino. Maraming salamat sa inyong lahat. |