![]() |
| PGMA's Speech During the OAS Town Fiesta Celebration |
|
Oas, Albay |
|
May 05, 2008 |
|
Okay, Dios mabalos Nonoy andaya, apo ng Oas. Sa lahat ng ating mga panauhin, at mga hosts; mga narito sa entablado,; mga mayor ng 1st and 2nd district; sa inyong lahat; Dios marhay nga aga as in advanced happy fiesta sa indo gabos! Ang dami pala nating taga-Oas dito pati si Nonoy Andaya, apo ng Oas. Kaya hindi masyadong mahirap yung mga iuutos ko mamaya. Ako’y nasisiyahan, thank you, Mayor Ricarte for inviting me sa inyong fiesta. At ako naman ay gustong-gusto kong pumunta rito dahil ang Oas ay malapit sa puso ng aking tatay, si President Diosdado Macapagal. Gaya nga ng sabi ni mayor, ang unang pangulo na nagpunta dito ay si Diosdado Macapagal dahil siya ay isang malapit na malapit na kaalyado ng dati ninyong Mayor, si Mayor Jose “Peping” Ricarte, ang tatay ni mayor ngayon. At ako ay nagpapasalamat kay Mayor na kinilala niya na tinulungan kayo ng aking tatay upang masimulan yung Oas-Mabayawan-Cagmanaba Road. At ako ay nasisiyahan na narito, pinili ko pumunta rito ngayon kasi kahapon ang wedding anniversary ng aking tatay, so parang selebrasyon na rin ng kanyang wedding anniversary. At ngayon, bilang regalo sa kanyang nasa langit na, at sa panungkulan ng mga anak ng magkaibigang Macapagal at Ricarte, aayusin natin yung kalsadang tinayo ng ating mga ama. Kaya salamat na lamang at taga-rito pala sa lolo si Nonoy Andaya, kasi magpapa-release tayo kay Nonoy -- sa DA, sa DAR, sa DPWH at sa PDAF ni Congresman Reno Lim, yung pondong kailangan para ayusin yung kalsada doon sa Coastal Barangay na kailangan sa pag-ayos nong kalsadang yun. At gusto natin ayusin talaga yun kasi importante sa produksiyon ng palay at bigas ang farm- to-market road. At gusto kong batiin ang Oas hindi lamang sa inyong fiesta kundi na rin dahil napakahalaga ang Oas sa produksiyong ng pagkain ng lalawigan. Sabi ni Joey Salceda governor, na ang Oas ang pinakamalapad na lupain sa probinsiya, pinakamalapad na may surplus na bigas sa buong lalawigan. Kasi sabi ni Joey, hindi kagaya ng Camarines Sur na nag-eexport ng bigas sa ibang probinsiya, ang Albay ay nagiimport. Pero ang Oas ay nakakatulong dahil ang Oas ay nag-eexport sa ibang bayan ng lalawigan ng Albay. Kaya nagagalak akong marinig na kayo ang may pinakamalaking surplus sa bigas sa taong ito – umabot sa 75 metric tons ang inyong produksyon itong taong ito. Congratulations sa mga magsasaka ng Oas! Malaki ang naitutulong ng inyong sobrang palay hindi lamang sa Albay kundi na rin sa buong bansa. Lalong nagiging importante ang pagpalago ng ani ngayon because there are global clouds on the horizon that are driving up the price of oil and food, particularly rice. Thankfully, we are now in a vastly improved position to weather this storm than at anytime in recent memory. Tungkol sa isyu ng pagmaneho ng bigas, ito ay problemang pangmundo na nakita na natin matagal na, kaya matagal ng trinatrabaho natin na makaraos pagdating nitong panahong ito. Yung sagot natin sa pangmundong pagkukulang ay para sumagot sa tatlong saligang pangangailangan. Number one, siguraduhin ang supply. Kaya matagal na tayong nakipag-usap at nakipagsarahan ng kontrata, hindi ba Secretary Artie Yap? Sa Thailand, sa Vietnam, sa Pakistan, sa Amerika, matagal na bago dumating, bago pa tumama yung shortage. At tayo ay namuhunan ng mabigat sa mga production efficiency at saka sa bagong mga binhi. Para sa Oas, nagpatayo ng dalawang dam, rubber dam -- ang halaga ay P250 milyon. Ito ang ginagamit na patubig ng mga palayan. Sa Barangay Mayao, may taga-barangay Mayao ba dito? Sa Barangay Busac, kayo ang pinagmulan ng tubig para sa irrigation. Maraming salamat sa inyo. At hindi lamang kayo nagpapatubig sa Mayao, sa Busac, pati na rin sa Saban, pati na rin sa Gumabao, pati na rin sa Manga at pati na rin sa katabing bayan hanggang sa Libon ni Mayor Gonzales. Yung isang dam naman ay nasa South Quinale. Ah! yun kayo nga yun. Pero narinig ko na yung dam na yun ay mas makakatulong pa kung maglagay pa tayo ng mas maraming irrigation canal. Kaya si Artie Yap na hindi kasama namin ni L-Ray Villafuerte at Reno Lim at ang anak ko si Dato kahapon doon sa Camarines, pinapunta ko ngayon, pinahabol ko ngayon para sabihin kay Artie na maglagay ng 50 milyon para sa irrigation canal. Eh, mabuti at si Nonoy Andaya ay taga-Oas kaya magre-release si Nonoy kay Artie Yap. Second response, to make sure that the distribution of rice gets to the people who need it most -- efficiently and cost-effectively. Kaya para maganap ito, we have moved to utilize distribution through churches, Father Jun, ewan ko kung nagsimula na yung bigasan sa parokya ninyo para ituro ninyo kung sino yung mahihirap at doon ibebenta. Pati na rin sa eskuwelahan pag simula na ang mga klase. Pati na rin yung sariling distribution network ng pamahalaan. Kahapon doon sa Camarines Sur, sa Caramoan, sa Lahuy ay nagmudmod tayo ng family access cards sa mahihirap. Wala tayong family access card dito ngayon, ano? Walang family access card dito ngayon? Okay, ano’ng ibig sabihin sa mga family access card? Doon mga lugar kung saan nagbibigay na, ibig sabihin non, na-identify na yung mga mahihirap. At sila, yung mga may family access card, yun ang puwedeng bumili ng NFA rice na P18.25. Kasi, yung iba, yung hindi gaanong mahihirap, puwedeng bumili ng commercial rice lalo na ngayon at bumababa na ang presyo ng commercial rice. Pangatlo, kailangan magmatyag tayo para yung mga unscrupulous traders ay hindi magsamantala sa sitwasyon. Sinisigurado natin na kung sinuman ang mahuling nagnanakaw ng NFA rice sa taong bayan ay paparusahan at kasama dito yung mga opisyal ng NFA na nahuling nakipagsabwatan sa mga unscrupulous traders. Mamaya sa miting ng mga Obispo, AFP, PNP at mga gobernador at mga regional director, magrereport si Artie Yap tungkol sa kung ano na ang nagawa don sa mga nahuli dito sa Albay na nakipagsabwatan sa unscrupulous traders. Ngayon ang Bicol, nong ako ay unang umupo, second poorest region sa buong bansa. Ngayon, hindi na, number four – number four nag-graduate na. Kasi gaya ng sabi ni Joey, gaya ng sabi ni Reno, gaya ng sabi ni Mayor ay nagbuhos tayo dito ng maraming serbisyo na bahagi ng ating 10-point program, kasama doon yung ating SEA-K. Okay, para dumami ang mga maliliit na entrepreneur dito sa Oas at saka sa Albay, congratulations sa inyo. At bahagi rin sa ating programa, magkaroon ng tubig sa bawat bayan, at kuryente sa bawat barangay. At binabati ko ang Oas dahil lahat ng inyong barangay ay meron ng kuryente. At tungkol sa tubig naman, very recently nagrelease tayo ng P5 million para sa tubig dito sa Oas. Gusto natin pabilisin ang kaunlaran, hindi lamang ng Oas kung hindi ng probinsiya, hindi lamang sa pamamagitan ng palay, o hindi lamang sa pamamagitan ng SEA-K, tubig at kuryente kundi na rin sa pag-unlad ng turismo dahil ang Bicol ay bahagi ng Central Philipines kung saan 55% ng mga turista sa ating bansa ay pumupunta sa Central Philippines. Kaya ipromote natin ang turismo ng Albay. After all, ano ba ang original tourism attraction ng Bicol? Walang iba kung hindi ang Mayon Volcano. Wala pa man nga yung Camarines Water Complex, wala pa man yung Donsol, wala pa man yung Caramoan, nandoon na yung Mayon Volcano. Kaya Joey, magkampanya naman tayo para iboto yung Mayon Volcano as one of the world’s new seven wonders. Dapat lahat ng mga taga-Albay, lahat ng mga taga-Bicol ay bomoto www.new7wonders.com para sa Mayon Volcano. Pero dahil kailangan bomoto kayo sa pito, huwag niyong kalilimutan, bomoto rin kayo sa Tubattaha Reef, sa Chocolate Hills, at saka sa Puerto Princesa Underground River. Sa pagpa-unlad ng turismo, ang papel ng pamahalaan ay access – kalsada at paliparan. Ang kabutihan ng Mayon Volcano ay malapit na nga sa airport, maganda ang kalsada at nasa Maharlika Highway. Pero dito sa Bicol, kung gusto natin dumiretso na ang mga turista dito mula sa ibang bansa, kailangan ng international airport. Pero hindi naman puwedeng bawat probinsiya, may sariling international airport, kasi hindi naman magkakasya yung mga eroplano, hindi naman pupunta dito kung maliliit lang ang pasahero, dapat marami. Kaya pinagkasunduan ng mga gobernador na yung international airport ng Bicol ay ilalagay sa Daraga dito sa Albay. Tamang-tama kasi yung Cagsawa ruins hindi ba nasa Daraga? Ang status ngayon, tinanong ko kay Secretary Lary Mendoza kagabi, binibili na yung lupa para sa ganon, kasi kung international airport, malaki yun kaya binibili na yung lupa. Kaya importante na masimulan natin ang international airport at maayos parati ang Maharlika Road. Alam niyo kahapon, yung Maharlika highway, at saka may Quirino Highway, tapos naging Maharlika Highway sa Bicol, Kahapon pinuntahan natin yung Andaya highway na dating bahagi ng Quirino Highway, tinutukso naming si Congressman Reno Lim na dapat yung bahagi ng Maharlika Highway na dumadaan sa distrito ninyo, ay tawagin naman, imbis na Quirino highway, kay Reno highway. (laughter/applause) Pero yan ang ating mga vision sa Albay, yumaman sa turismo and our vision is based on a strong and growing economy. It’s the central pillar we have labored to help guarantee peace, order and stability in our country. At yung inyong pag-angat, mula sa second poorest region at naging fourth na lamang, kasama na rin yun sa naabutan natin - ang pinakamalakas na ekonomiya sa loob ng tatlumpong taon. Kaya tuloy tayong magtulungan kagaya yung panahon ng tatay ko, ayun o, may litrato yung tatay ko at saka yung tatay ni Mayor Greg, ayun. Kagaya nong panahon niya, sa panahon natin muli ngayon, magtulungan tayo para yung mga programang binanggit natin at yung programang iba pa, meron tayong mga grocery packs para sa mahihirap, meron tayong gamot na kalahating presyo na ibebenta sa mga botika, lahat itong mga programang ito ay magdadala ng higit pang pagpalakas ng ating kaunlaran, sa Oas, sa Albay, sa Bicol, sa buong bansang Pilipinas. Dios mabalos, happy fiesta sa indo gabos. |