|
|
|
BINUHAY ANG RIGODON DE HONOR
SA MALAKANYANG
Ang ika-110 pagdiriwang ng kalayaan ng ating bansa ay tinampukan ng
pagbabalik ng Rigodon de Honor bilang tampok ng kinagawiang Vin d’Honneur
para sa Diplomatic Corps.
Itinuturing ito na isa pang hakbang sa pagsisikap na panumbalikin ang mga
dating tradisyon sa Palasyo ng Malakanyang at sa Pangu-luhan, pagtatampok sa
magagandang kasuotang Pilipino at tumulong sa pagbuhay at pagbabalik ng
sayaw na tampok sa lalong tampok na mga pagtitipon sa Pilipinas.
Ang huling Rigodon de Honor ay sinayaw sa Malakanyang, sa Cere-monial Hall (Rizal
Hall ngayon) noong Hunyo 30, 1981 bilang tampok ng sayawang kaugnay ng ika-3
inagurasyon ng Pangulong Marcos.
Hiningan ko ng tulong si Jeremy Barns, palace museum curator, tung-kol sa
makulay na tradisyong ito.
Sang-ayon kay G. Barns, ang Rigodon de Honor ang sa loob ng mara-min g
saling-lahi ay itinuturing na pinakamaringal na seremonyang sayaw sa bansa.
Ito ay quadrille o square dance na nagmula sa ika-17 dantaon sa Pransiya (nilikha
ng dalubhasa sa sahaw na si Rigaud ng Court of Louis XIII), at dinala sa
ating bansa mula sa Espanya noong ika-19 na dantaon.
Sa Palasyo ng Malakanyang, ang Rigodon ay laging tampok ng maha-halagang
okasyon sa bansa, na ang isa sa unang pagkakataong itinanghal ito ay noong
Enero 23, 1878 upang ipagdiwang ang kaarawan ni Haring Alfonso ng Espanya.
Ang sayaw na patuloy na ginagawa sa buong panahon ng mga Kastila at maging
ng panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay lalong natampok at nagkaroon ng
sariling tatak-Pilipino na naging lubos na maringal at kahanga-hanga sa
panahon ng Pangulong Manuel Luis Quezon at itinanghal noong Komonwealth at
maging sa panahon ng iba pang Panguoo ng Republika upang maging tunay na
maringal at katangi-tangi ang mga opisyal na kasayahan.
Sa Palasyo, ang sayaw ay karaniwang ginagawa sa saliw ng tugtog ng banda ng
Kostabularya sa mga pagtitipon ng gobyerno na ang guma-ganap ay matataas na
pinuno ng pamahalaan, mga panauhin at kani-lang mga kabiyak ng puso, sa
pangunguna ng Pangulo at ng Unang Ginang kasama ang panauhing pandangal o
pinakamataas na pinuno at ng kanyang maybahay (ang dalawang mag-asawa ang
tinatawag na kabisera).
Madalas at talagang kahanga-hanga ang rigodon kaya ang Palasyo ay may
opisyal na dance master sa katauhan ni Don Manuel Yriarte (na binawian ng
buhay sa atake sa puso noong 1930 habang pinamamahalaan ang rigodon sa
idinaraos na sayawang handog ng Malakanyang para sa Lehislatura) at sa buong
panahon ni Quezon, si Felipe Buencamino ang nangasiwa nito.
Bantog na bantog ang hilig sa sayaw ng Pangulong Quezon kaya ang ngayon ay
Heroes Hall ay inayos para sa maging palagiang sayawan. Sa Palasyo nang mga
panahong yaon, ang mga lalaki ay pinagsusuot ng pormal na mess jackets o
puting tuxedo, itim na pantalon at itim na kurbata para sa rigodon. Ang
kababaihan, maliban sa mga Muslim at babaing banyaga, ay pinagsusuot naman
ng traje de meztiza o terno, ang pormal na kasuotan para sa kababaihan, na
may butterfly sleeves, matigas na panuwelo at may mahabang pinakabuntot.
Ang mga pagtitipon ng gobyerno para sa mga piling panauhin o para sa
mahahalagang pagtitipon (gaya ng inagurasyon ng Pangulo at state visits)
anibersaryo o pista opisyal (lalo na kung Araw ng Kala-yaan kung Hulyo 4, na
nang malaunan ay Hunyo 12 na), tiyak na tiyak na tampok ang sayaw na ito.
Kaugalian din na pagkatapos simulan ng Rigodon ang sayawan, ang susunod na
bilang ay isang moderno at masiglang sayaw na gaya ng waltz, foxtrot, tango
o conga. Nang matapos ang digmaan, nanatili ang Rigodn bilang tampok ng
opisyal na buhay sa Palasyo maging noong administrasyong Roxas at Quirino,
pagkaraan nito, padalang na nang padalang na sapagka’t ang sayawqang bahagi
ng mga opis-yal na pagtitipon ay nabawasan na rin.
Sa pagbuhay ng Rigodon sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, pinili ng Pangulo
ang mga kalahok at manaka-nakang nanonood ng mga pagsasanay nila. Sa isang
rehearsal, tila siya ay sumali rin para matu-tuhan ang mga hakbang at si
Kalihim Art Yap ang kapareha niya.
Ang dalawampung pareha na gumanap sa Rigodon ay sina Kinatawan Albert Garcia
at Kint. Carissa Coscolluela, Alkalde Freddie Tinga at Bb. Zareen Baqir,
CIICT Chair Ray Anthony Roxas-Chua III at Ms. Abby Ramos Claudio, G. Butch
Ramirez at Alkalde Jenny Barzaga, Kint. Mark Enverga at Kint. Mitch Cajayon,
G. Johnn Gaddi at Ms. Joanne Reyes, Embahador David Pine at Ms. Assunta de
Rossi-Ledesma, Gob. Leo Campos at Ms. Angie Cadungog, Heneral Arturo Lomibao
at Ms. Elizabeth Lee, Kint. Robbie Puno at Atty. Patricia Bunye, G. Sonny
Tanchanco at Ms. Paula Locsin Bondoc, Kint. Martin Romualdez at Ms. Dawn
Zulueta-Lagdameo, G. Nestor Jardin at Ms. Tessa Prieto Valdez, G. Alex
Macapagal at Ms. Anna Marie Periquet, Kint. Joboy Aquino at Ms. Marissa
Andaya, Kint. Dato Arroyo at Alkalde Kimi Cojuangco, Kalihim Arthur Yap at
Ms. Lani Mercado Revilla, dating Senador Tito Sotto at Ms. Mons Romulo
Tantoco, Hen. Generoso Senga at Kint. Rachel Arenas, Kalihim Peter Favila at
Embahador Kristie Kenney.
Ang buong pagtitipon para sa Araw ng Kalayaan at ang Rigodon de Honor ay si
Ms. Lupita Kashiwahara ang direktor. Ang choreography ay si Ms. Bujing
Durano at Ms. Dalah Pia ang nangasiwa, sa tulong nhina G. Renato Delgado at
G. Jerry Mercado. Ang musika ay kay Gloria Gatmaitan at ng kanyang banda.
Patalastas: Maaari kayong mag-email sa amin sa totingbunye2000@yahoo.com at
sa totingbunye2000@gmail.com. |