|
|
Mga pinuno ng World Bank, nakipagkita kay P-Noy |
|
Nagbigay-galang sa Pangulong Benigno S. Aquino,
Jr. ang mga pinuno ng World Bank (WB) kanina sa Yellow Room ng Premiere
Guest House sa Malakanyang.
Ang naging panauhin ng Pangulo ngayong hapon ay sina WB Philip-pines
Director Bert hofman at G. James Adams, bise president eng WB para sa
Silangang Asya Pasipiko.
Kaharap sa pag-uusap ng Pangulo at ng mga pinuno ng World Bank sina
Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. , Kalihim Cesar Purisima ng
Pananalapi at Social Welfare Undersecretary Alicia Bala.
Kasama ng mga pinuno ng World Banhk sina Jesse Ang, resident representative
ng International Finance Corporation (IFC), isang kasapi ng WB Group na
nagsusulong ng patuloy na pamumuhunan ng pribadong sektor upang mapabuti ang
buhay ng mga mamamayan sa umuunlad na bansa.
Itinataguyod ng World Bank ang paglinang sa mga patakaran at reporma sa mga
programa sa impratraktura, kaunlarang panlipunan, kalusugan at iba pa. |
TOP |
|
|
Pag-aaralan ni P-Noy ang mungkahing ipamigay
ang labis na bigas sa mahihirap kaysa mabulok lamang |
|
Pag-aaralan ng Malakanyang ang mungkahi sa
Pangulong Benigno S. Aquino III na ipamigay na lamang ang labis na bigas sa
mahihirap na pamilya sa halip na pabayaan lamang masira ito sa mga bodega.
Sinabi ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda sa press briefing sa
Malakanyang ngayong hapon na naipahiwatig na ni National Food Authority (NFA)
Administrator Lito Banayo na malamang ipamigay na lamang ang labis na bigas
sa mga dukha.
Idinugtong ni Lacierda na inaalam na ni Banayo ang kondisyon ng bigas na
nasa mga kamalig ng NFA.
Ayon kay Lacierda, sasangguniin si Kalihim Dinky Soliman ng Kagali-ngang
Panlipunan at Kaunlaran, sa mungkahing ito ni Banayo.
Sa kanyang Ulat sa Bayan (SONA) noong Lunes, ibinunyag ng Pangulo na dahil
sa labis na bigas na inangkat ng administrasyong Arroyo, nabubulok lamang
ang mga ito sa mga bodega ng NFA habang ang pamahalaan ay kailangang
magbayad ng P171.6 bilyon na halaga ng inangkat na bigas.
Sinabi ni Banayo na ang NFA, sa tulong ng Kagawaran ng Katarungan at
Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) ay puspusang mag-sisiyasat
tungkol sa bagay na ito at magsasagawa ng system and management audit
tungkol sa sinasabing labis-labis na pag-angkat ng bigas na napabayaan
lamang. |
TOP |
|
|
Handa na ang Bahay-Pangarap para kay P-Noy |
|
Nakahanda na ang Bahay-Pangarap para sa
Pangulong Benigno S. Aquino III ngayong Linggo, sabi ni Koronel Ramon Mateo
Dizon, puno ng Presidential Security Group (PSG) sa press briefing kaninang
hapon
Sinabi ni Koronel Dizon na pinasimulan na ng PSG ang puspusang pagbabantay
sa palibot ng Bahay Pangarap na kasama sa plano sa pagkukumpuni nito.
Ayon kay Koronel Dizon, sa ngayong linggong ito, nakahanda na kami kailanman
at naisin ng Pangulo na lumipat. Bahala ang Pangulo, sabi niya na mamili ng
petsa sa paglipat niya.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang kanina, sinabi ni Dizon na hiningi nila sa
Philippine Coast Guard na dagdagan ang seguridad sa Ilog-Pasig, bagaman
panahon pa ng yumaong Pangulong Corazon C. Aquino ay talaga namang nakalatag
na ang seguridad sa pook na ito.
Tiniyak ni Dizon na hindi sasagkaan ng PSG ang daloy ng trapiko sa
Ilog-Pasig dahil ito ay ginagamit ng maraming tao na trasportasyon ng mga
kalakal.
Idinugtong ni Dizon na nagkaroon ng kaunting pagbabago sa Bahay Pangarap na
dagdag na kuwarto para sa mga kasambahay, gayundin sa mga security personnel
na kasama ng Pangulo. Naglagay rin ng isang kuwarto para sa panauhin ng
Pangulo.
Nang usisain si Dizon kung sakaling umahon ang tubig sa Ilog Pasig, sinabi
nito na hindi problema ang baha dahil noong Ondoy ay hindi naman umahon ang
tubig sa nasabing lugar.
Ang Bahay Pangarap ay nasa Malacanang Park na ang hangad para rito ng
Pnguoong Manuel Quezon noon ay maging recreational park ito para sa Pangulo
ng Pilipinas. |
TOP |
|
|
|
|
|